Thursday, September 16, 2010

SCRIPT

AUDIENCE
 
Maglalagay ng 1 upuan sa [1] para kay Lolo Basyang.
Mga bata papasok (from right) at sasayaw sa [5]sa tugtog na “HAPPY”...

Bata1: Hay!  Ang sarap! Wala na naman tayong pasok. Ano kaya ang masarap gawin ngayon?

Bata2: Nood nalang tayo ng sine.

Bata3: Wag naman... wala akong pera eh.

Bata2: E di, kwentuhan nalang tayo.

Bata1: Tungkol naman saan?

Dadaan sa harap ng mga bata si Lolo Basyang may dalang libro at uupo sa [1] magbabasa.

Bata3: E di kung bakit tayo walang pasok ngayon.

Bata1: Sige... pero...bakit nga ba?

Bata2: Di ba sabi ni miss araw daw ng kalayaan ngayon?

Bata3: Kalayaan? Kalayaan saan?

Bata2: Di ko nga rin alam eh. Tara itanong natin kay Lolo Basyang.

Bata1: Sige tara.

Tugtog ang  “Nandito Ako” Kakanta ang mga bata sa [2] at pupuntahan si Lolo sa [1] uupo sa sahig pag kwentuhan na.

Bata2: Lolo Basyang, alam niyo ba kung bakit may araw ng kalayaan? Yun daw po kasi ang dahilan kung bakit wala kaming pasok eh.

LOLO BASYANG: Naku mga apo, napaka halaga ng araw na ito. Halina kayo’t kukwento ko sa inyo. Tamang-tama at iyan talaga ang binabasa ko ngayon.

LOLO BASYANG: Nagsimula ang lahat noong Pebrero 2, 1543,nang  dumating ang Ekspedisyong Ruy lopez de Villalobos sa pulo ng Saranggani sa Silangang Mindanao.

Villalobos from right magpapakilala sa [3] at pupunta sa [5]para umarte
VILLALOBOS: AKO SI RUY LOPEZ De VILLALOBOS. Galing Espanya.

Aba, napaka ganda naman talaga ng islang ito. Masarap tayuan ng mga unibersidad. Magtatayo ako ng mga simbahan, mga gusali at tulay! Tatawagin ko itong Las Islas Felipinas. Tiyak na matutuwa si Haring Felipe nito... Wahahaha...

LOLO BASYANG: “LAS ISLAS FELIPINAS” Yung nga ang tinawag niya sa teritoryong nasakop niya  alinsunod sa pangalan ng Haring Felipe II ng España. Di nagtagal, at ito rin ang ipinangalan  sa buong arkipelago.

Tugtog ng pangsimbahan…
From left, Maglalakad ang mga Pinay pupuntasa [2] titingin sa simbahan magkukwentuhan kunwari sa [3]

VILLALOBOS: Hoy kayo! Hindi nyo ba alam na pambabastos yang ginawa nyo?

PINAY 1: Pambabastos?

PINAY 2: Wala naman po kaming ginagawang masama ah?

VILLALOBOS: Dinadaanan nyo ang simbahan ng hindi nagpapakita ng galang sa Diyos. Dapat ay galangin nyo ang Diyos sa pamamagitan ng tanda ng krus! Mga indio kayo! Simpleng bagay lang hindi nyo pa matutunan! Kayo lahat na nakatira dito sa Las Islas Felipinas. Mga indio kayong lahat. INDIO

Exit Villalobos papuntang right. (at magbihis ng pang sundalong briton)

LOLO BASYANG: Na ang ibig sabihin sa wikang ingles ay IDIOT.
Bata2: Aray, sakit nun a
.
Pinay action sa Tugtog na “Aray Naku” at exit sa right
LOLO BASYANG: Kilala niyo ba si Miguel Lopez de Legaspi? Noong 1565, narating niya ang Cebu, dito rin niya itinatag ang unang pamayanan ng mga Kastila, ang ikalawa ay sa Isla ng Panay at ang ikatlo ay sa Maynila. Siya ang uang Gobernador-Heneral ng Pilipinas at ang nagtatag ng Maynila

Mga Pinay  babalik  papuntang [5] kasama ang mga babaeng magtatahi ng bandila

Bata 1: So, siya pala ang nagpangalan sa  Maynila
Bata 3: Oo nga! At ito pa ang naging  kabisera ng bansa.. Maynila!
Mga Pinay action sa tugtog na “Maynila, o maynila”sa [5] at exit sa left. Ihanda ang bandila habang nasa left.

LOLO BASYANG: Speaking of Maynila, nangyari unang labanan doon noong Oktubre 6, 1762. Noong panahong iyon ay may digmaan ang Britanya at Pranses. Dahil kumampi ang hari ng Espanya sa mga Pranses naisipan ng Britanya na sakupin na rin ang Maynila dahil ito ay sakop ng Espanya


Mga Sundalong Briton from right magpapakilala sa [3] at maglalakad ng mabilis papuntang [5]
Drapper magpapakilala sa [3] at pupunta sa [2] ganun din gagawin ni CORNISH.
SUNDALONG BRITON: Kami ang ang mga Sundalong Briton…
DRAPPER: At ako si Hen William Drapper
CORNISH: At ako naman si Admirante Samuel Cornish.
DRAPPER:Kami ang namumuno sa mga Briton sa pagsakop ng Maynila.

CORNISH: Dahil ang Haring Carlos III ng mga Espanyol ay kumampi sa mga kalaban naming Pranses.
DRAPPER: At dahil sakop ang Maynila  ng mga Espanyol.. Damay-damay na...
SUNDALONG BRITON, DRAPPER AT CORNISH: Maynila, humanda kayo… sasakupin naming kayo!!!
Pasok mga sundalong Pinoy from right. Laban habang may tugtog. Patay ang mga pinoy. Exit sa right ang Sundalong Pinoy at Briton. Ihahanda na ng 3 sundalo ang mga upuan para sa pag garote sa GOMBURZA .. maiiwan sa harap [2]ang mga pinuno…

DRAPPER: Sa wakas, nasakop din natin ang Maynila!
CORNISH: Ang dali naman nilang masakop.
DRAPPER: Biruin mo, 10 araw lang nagapi din nating sila
CORNISH:  Walang kahirap-hirap.

Habang nagbabasa si Lolo Basyang, papasok ang isang lider na Pranses na may dalang papel. Magpirmahan silang tatlo, magkakamayan.

LOLO BASYANG: Marso 17, 1764 mapayapang ibinalik ng Britanya sa mga Espanyol ang Maynila. Nagkaroon ng kasunduan ang Pransya ang at Britanya  na tapusin na ang digmaan. 7 taon din tumagal ang digmaan na yun..

“WAR IS OVER” habang naglalakad sila palabas ng stage.

LOLO BASYANG: Noong 1861 ay  ipinanganak na ang ating pambansang bayani..
RIZAL punta sa [3] magpapakilala at exit sa right
JOSE RIZAL: Ako si Jose Protacio Mercado Rizal y Realonda. Jose Rizal for short.  Ipinanganak ako noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Isa lang ang kapatid kong lalaki ngunit 9 ang kapatid kong babae.

Bata 1: Grabe!! Dami nun. 11 silang lahat?

LOLO BASYANG: oo apo ko… at kilala niyo rin ba ang ang tatlong paring martir?
Isa-isa ang GOMBURZA magpapakilala sa [3] diretso sa [2]
GOM: Ako si Mariano Gomez.
BUR: Ako si Jose Apolinario Burgos
ZA: At ako naman si Jacinto Zamora
GOBURZA: kami ang Gom-Bur-Za.. GOMBURZA

GOM: Pinaghinalaan kami na kami ang mga lider ng pag- aalsa  sa Cavite.
BUR: Pinagbintangan kami na kami raw ang nag- udyak sa mga Pilipino upang lumaban sa mga Españyol.
ZA: Nilitis kami nang palihim at nahatulan ng kamatayan.

Papasok  ang 3 sundalong magdadala ng tig isang upuan sa [5] habang nagbabasa si Lolo. (puede ang 2 sundalong briton at 1 sundalong pinoy [Donn]

LOLO BASYANG: At noong 1892, binitay sila sa pamamagitan ng garote.

“My humps intro” - 3 sundalo, pauupuin ang GOMBURZA, takpan ang ulo(puede pillow case lang...turn ang garote 5 times.then, Pause. Exit  sa right.


LOLO BASYANG: Di nagtagal nagkita-kita ang mga pangkat ng Pilipino sa bansang Espanya. Ang mga nabigo sa pag-aaklas sa Cavite noon 1872 at mga tumakas sa pag-uusig ng Pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
RIzal, delPlar,Jaena at Luna… isa-isang pupunta sa [3], magpapakilala at diretso sa [5]
RIZAL: Ako muli ang inyong lingkod,  Jose Rizal.
DEL PILAR: Ako si Marcelo del Pilar
JAENA: Graciano Lopez de Jaena po.
LUNA: At ako naman si Antonio Luna

DEL PILAR: Mga kaibigan, magtatag kaya tayo ng isang Kilusang Propaganda.
JAENA: Sige, Marcelo. Dapat ay  kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi  at lalawigan ng bansang España.
LUNA: Pantay din dapat ang pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas
RIZAL: At Magkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas
Mute.. nag-uusap pa rin kunyari.. Daan propsgirl [Maff]  na may dalang La Solidaridad. Ipapakita sa audience [3] Ibigay sa apat.

LUNA: Sa wakas nailabas din ang unang kopya ng ating pahayagan. Ok na ok ang mga alyas natin dito ano?
RIZAL: Oo nga ako si Dimasalang at minsan si Laong Laan
LUNA: Taga-ilog naman ang alyas ko dito.
JAENA: Si Jose Maria Panganiban nga ay nagtago sa alyas na JOMAPA
DEL PILAR: At ako naman dito si Plaridel. Maihahayag na rin nating ang ating saloobin sa mga dapat  baguhin sa Pilipinas
RIZAL: At sana mabasa ito ng Hari ng España nang madinig nya ang ating mga hinaing
Tugtog: MAGKAISA! Action sa tugtog ang 4. Lalabas sa right.

LOLO BASYONG: Ngunit, dahil sa kakulangan sa pondo, natigil na ang paggawa ng pahayagang La Solidaridad. at umuwi ang mga kasapi nito sa Pilipinas.

Rizal Pasok papuntang [5]
Bonifacio at Mabini. Parehong magpapakilala sa[3] at pupunta sa [5]
BONIFACIO: Ako si Andres Bonifacio. Matapang na tao.
MABINI: At ako naman si Apolinario Mabini ang  tinatawag nilang “Dakilang Lumpo”.
Sa [5]
RIZAL: O ano mga  kaibigan?. Siguro mas mabuting magtatag  tayo ng isang samahan.
MABINII: Pagbuklod-buklodin natin ang mga Pilipino at humingi ng reporma sa pamahalaang Espanyol.
BONIFACIO: Tama! Nang mabago ang palakad nila  sa ating bansa. At tawagin natin ang ating samahan na...
LAHAT: La Liga Filipina.
Exit sa right si Mabini. Bonifacio maiiwan sa [6] Rizal na pupunta  sa [2]

Pasok Sundalong Briton [Mike] kunin sa Rizal at exit ang 2 sa left. (Maghanda ang dalawa para sa Firing squad ni Rizal.Baril)
LOLO BASYANG: Ngunit 3 araw mula sa pagtatag ng samahang La Liga Filipina ay  ipinadakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa Lalawigan ng Zamboanga. Noon ding araw na dinakip si Rizal, itinatag naman ni Bonifacio, Ladislaw Diwa at Teodoro Plata  sa Cavite ang KKK.

BONIFACIO: KKK o Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan
Tandang Sora magpapakilala sa[3] at pupunta sa [5]
TANDANG SORA: Ako si Melchora Aquino. Tandang Sora ang tinawag nila sa akin.
Pasok Katipunerong Magdalo at Magdiwang kasa ma ni Bonifacio na galing sa [6]papuntang [5]
TANDANG SORA: Sige, mga anak. Tumuloy kayo at kumain muna dito sa aking tahanan. Dito na kayo magpulong at pinag-hahanap na kayo ng mga Kastila. Tanggapin niyo rin itong konting pera. Nawa’y malaking tulong ito sa samahan niyo..
KATIPUNERONG MAGDALO: Maraming salamat po, Tandang Sora.
TANDANG SORA:Habang nagpupulong kayo ay magkakantahan ang mga kababaihan nang hindi nila paghihinalaang nandito kayong mga katipunero.
KATIPUNERONG MAGDIWANG:: Salamat pong muli.

BONIFACIO: Mga kababayan, Marami na tayong sangay  sa kalapit na lalawigan. Mga limanndaan na tayong mga katipunero. Pumuta tayo sa Balintawak.at punitin ang ating mga sedula.
KATIPUNERONG MAGDALO: Tamang-tama at kapistahan ngayon ni San Bartolome sa Balintawak. Kayang-kaya nating lusutan ang mga kawal. Magbihis tayo na kunyari ay nakikipista tayo.
KATIPUNERO MAGDIWANG: Yun ang magpahiwatig ng ating tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa ating bansa.
BONIFACIO: Halika na!!!
Mga katipunero at Bonifacio pupunta sa [2] at pupunitin ang papel galing sa bulsa.
“Ito ang gusto ko” – habang pinupunit nila ang kanilang mga sedula.

LOLO BASYANG: Disyembre 30, 1896. Binaril si Jose Rizal sa Bagumbayan, o Luneta na nating ngayon.

Rizal pupunta sa [6] habang sundalo sa [4]
MUSIC FIRING SQUAD...
Sundalo: FUEGO!!!  Humarap si Rizal
Exit ang dalawa sa right.

LOLO BASYANG: Ang Katipunan ay Nagkaroon ng 2 pangkat. Ang Magdalo at Magdiwang.


Papasok si Aguinaldo sa [3]
Habang nagpapakilala si Aguinaldo, pasok Katipunerong Magdalo sa [5] at
Pasok Katipunerong Magdiwang at Bonifacio sa [6]
AGUINALDO: Ako si Emilio Aguinaldo. Ako ang  lider ng Pangkat Magdalo.  Si Bonifacio ay sa  Pangkat Magdiwang”. Sasamahan ni Aguinaldo ang Katipunerong Magdalo.

LOLO BASYANG: Nagkaroon ng eleksyon upang magkaroon ng pamahalaang rebolusyonaryo na kikilalanin ng lahat. Si Aguinaldo ang nagwagi at si Bonifacio at naging Direktor ng Interyor.

Sa[6]
BONIFACIO: Dinaya nila ang eleksyon! Sabi nila, dapat taga Cavite lang ang puedeng lumahok sa eleksyon. Nadaya tayo.
KATIPUNERONG MAGDIWANG: Hindi makatarungan ang halalan. Madaya!

Sa[5]
AGUINALDO: Marahil ay makakaapekto si Bonifacio sa pamahalaang rebolusyonaryo natin
KATIPUNERONG MAGDALO: Ano ang dapat nating gawin para di magkawatak-watak ang mga Katipunero
AGUINALDO: Hayaan nating ipatupad ang hatol ng hukumang militar na kamatayan sa kanya at sa  kapatid niyang si Procopio.
Exit ang lahat sa left maliban kay Bonifacio na pupunta  sa [5]. Galing sa right, Enter Procopio at tatabi kay Bonifacio.2 sundalo (Kenn and Mike) pwesto sa [6].

LOLO BASYANG:Binaril nga ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite noon Mayo 10, 1897.

MUSIC FIRING SQUAD...
Kawal: FIRE!!! Binaril ang magkapatid na Bonifacio. Exit ang lahat sa left

Pasok Aguinaldo na may dalang papel sa [5] AGUINALDO: Dahil sa tinatag kong headquarters dito sa Biak-na-bato, Cavite,,dumami na ang sumusuporta sa aking layunin. Eto ang proklamasyon ng ating Biak-na-bato Republic:
basahin sa papel:
1.     Ibalik ang lupang Pilipinas sa pilipino
2.     Magkaroon ng kinatawan ang Pilipino sa Cortes sekularisasyon
3.     Magkaroon ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon
4.     Pantay-pantay sa paglilitis sa batas

Primo de Rivera...pasok sa [3]
PRIMO DE RIVERA: Ako si Fernando Primo de Rivera. Isang Kastilang Gobernador-heneral.
PRIMO DE RIVERA: Aguinaldo, mag tigil putukan muna tayo. Magbuo tayo  ng kasunduan.. Tawagin nating Kasunduan sa Biak-na-bato.
AGUINALDO: Sige, ano ang inyong nais.
DE RIVERA: Sa loob ng 3 taon, iiwan na namin ang lupa niyo kapalit ang pag boluntaryo mong pagpapatapon sa HongKong,  Tanggapin mo ang pang unang bayad na P400,000 kapag umalis ka na tungong Hongkong.. Magbibigay pa kami ng  P200,000 kapag naisuko ng mga rebelde ang 700 na sandata at P200,000 kapag ipinahayag ang pangkalahatang amnestiya.
AGUINALDO: Maaasahan mong tutuparin ko ang ating kasunduan.
Shake hands...exit sa left.

Enter from left ang mga magtatahi ng Bandila. Uupo sa sahig at magtatahi sa [5].

LOLO BASYANG: Habang nasa Hongkong ang pangkat ni Aguinaldo, naghanda sila upang muling makikipaglaban para sa kalayaan. Tinahi ang bandila ng bansa nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa. Pagdating nila Agunaldo sa Maynila, (Pasok Aguinaldo at tulong tulong sila ng mga babae na ikabit ang bandila sa kahoy) naghanda sila sa paglaya ng bansa. At noong Hunyo 12, 1898 ay Idiniklara ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanyol. Dito unang winagayway ang unang bandila ng Pilipinas at inawit ang Pambansang Awit na nilikha ni Julian Felipe at binigyang titik ni Jose Palma.

Music “Kapayapaan...” Iwagayway ni Aguinaldo ang bandila habang ginaganap ang curtain call.

DIREKTOR: Ang mga gumanap sa ating munting presentasyon.
CURTAIN CALL: Pasok at Bow sila:
1.     MIKE CONSTANTINO bilang si Ruy Lopez de Villalobos
2.     VJ AREVALO bilang si Admirante Samuel Cornish at Procopio Bonifacio at KEN LADOC bilang si Heneral William Drapper
3.     KANE CANCIO bilang Jose Rizal
4.     DREW PEREZ bilang si Mariano Gomez at Marcelo del Pilar,
TIAN METAL bilang si Jose Burgos at Primo de Rivera
at si REIN BAÑARES at bilang si Jacinto Zamora at Antonio Luna.
5.     ZAKK COSTALES bilang Andres Bonifacio
6.     JOSH DARIO bilang Apolionario Mabini, at MOI BALDA bilang Graciano Lopez de Jaena at katipunerong magdiwang
7.     CAL TADENA bilang Tandang Sora
8.     MAFF LAPUT bilang Marcela Agoncillo,NINA ANG bilang  Lorenza Agoncillo at MARJ PULIDO bilang Delfina Herbosa
9.      NICK BARBON bilang Aguinaldo
10.                         sina DONN BONGCO bilang katipunerong magdalo at BEA ALVARES at DNIS CARANDANG mga kapwa nating Pilipino.
11.                        Sina XIAO FILOMENO, ALEX BARBERO AT JEAN TALAMPAS bilang mga bata, at si JEOF PELAYO bilang lolo basyang.
12.                        Ipinakikilala ko rin ang aming script writer at musical director na si RICA DEALINO.
13.                        At ako po ang inyong director, MICA GUERRA.
14.                         Lahat, hawak-kamay... itaas ang mga kamay... BOW!

Wait for the music to end while standing straight, heads high.

Lolo Basyang at mga bata punta [2]. Mag-uusap.
Bata 1: Ang dami naming natutunan ngayong araw, Lolo Basyang.
Bata 2: Oo nga po. Salamat po talaga, Lolo
Bata 3: At mas masaya po ako hindi lang dahil marami kaming natutunan. Kundi, dahil...
TATLONG BATA: Walang Pasok!!!

Tugtog: “Happy” habang pumapalakpak ang lahat!

LOLO BASYANG Solo… “Everybody should be happy”

















Characters:
Rica Dealino-[Script Writer/Musical Director]
Mica Guerra-[Director]

LOLO BASYANG       : Jeof Pelayo
BATA 1                       :  Xiao Filomeno
BATA 2                       : Jean Talampas
BATA 3                       : Alex Barbero
a.      Bea alvares-[Pinay 1]
b.      Maff Lapu-[Marcela Agoncilio][pinay sa Maynila na tugtog]
c.       Dnis Carandang-[Pinay 2]
d.      Cal Tadena-[Tandang Sora]
e.       Marj Pulido-[Delfina de Natividad] [pinay sa Maynila na tugtog]
f.        Nina Ang-[Lorenza Agoncilio] [pinay sa Maynila na tugtog]
g.      Mike Constantino-[Villalobos][Sundalong Briton] at [sundalong babaril kila rizal at bonifacio]
h.      Moi Balda-[Jaena],[Katipunerong magdiwang]
i.        Vj Arevalo-[Cornish][Procopio Bonifacio]
j.        Tian Metal-[Burgos],[de Rivera]
k.       Donn Bongco-[Katipunerong Magdalo],[Sundalong Pinoy]
l.        Drew Perez-[Gomez],[Del Pilar]
m.    Nick Barbon-[Aguinaldo][Sundalong Pinoy]
n.      Kenn Lladoc-[Drapper][Sundalong papatay sa magkapatid na bonifacio.]
o.      Zakk Costales-[Andres Bonifacio]Lider ng Pranses na magpapapirma kila Drapper at Cornish]
p.      Kane Cancio-[Jose Rizal]
q.      Josh Dario-[Mabini][Sundalong Briton]
r.       Rein Bañares-[Zamora],[Luna]